Pasya

1 Periodt
Performed by: MuroAmi, Tao
Written by: MuroAmi
Arranged by: Calix
Produced by: Calix
Mixed by: Calix
3:52
2 Corporeal God
Performed by: BP Valenzuela
Written by: BP Valenzuela
Arranged by: BP Valenzuela
Produced by: BP Valenzuela
Mixed by: Calix
2:50
3 Free
Performed by: SHNTI
Written by: SHNTI
Arranged by: Calix
Produced by: Calix
Mixed by: Calix
3:52
4 Buo
Performed by: MuroAmi, BP Valenzuela
Written by: MuroAmi, BP Valenzuela
Arranged by: Calix
Produced by: Calix
Mixed by: Calix
Additional Instru. by: BP Valenzuela
3:33
5 Ginto
Performed by: La Loba Negra
Written by: La Loba Negra
Arranged by: La Loba Negra
Produced by: La Loba Negra
Mixed by: Calix
4:22
6 Stigma
Performed by: SHNTI
Written by: SHNTI
Arranged by: Calix
Produced by: Calix
Mixed by: Calix
2:32
7 Abo
Performed by: Tao
Written by: Tao
Arranged by: Tao, Calix
Produced by: Tao
Mixed by: Calix
5:05
8 Tikis
Performed by: MuroAmi
Written by: MuroAmi
Arranged by: Calix
Produced by: Calix
Mixed by: Calix
Additional Vocals by: Maria Manila, Roxy, Jade, Nicole Lorenzo
7:28
9 Hiraya
Performed by: La Loba Negra
Written by: La Loba Negra
Arranged by: La Loba Negra
Produced by: La Loba Negra
Mixed by: Calix
Additional Instru. by: Pat Sarabia
5:43
10 XX
Performed by: MuroAmi
Written by: MuroAmi
Arranged by: Calix
Produced by: Calix
Mixed by: Calix
2:40
11 Regla
Performed by: MuroAmi, SHNTI, Tao
Written by: MuroAmi, SHNTI, Tao
Arranged by: Calix
Produced by: Calix
Mixed by: Calix
4:56
12 Naliwanagan
Performed by: Teenage Granny
Written by: Teenage Granny
Arranged by: Teenage Granny
Produced by: Teenage Granny
Mixed by: Calix
8:09
13 Kanino Ang Bola
Performed by: Ymi Castel
Written by: Ymi Castel
Poetry by: Cha Roque
Arranged by: Ymi Castel
Produced by: Ymi Castel
Mixed by: Calix
4:52

About Album

Pasya celebrates the strength of people standing up to challenges against their rights to bodily autonomy and shows a picture of the current state of abortion in the Philippines. It’s a strong signal as well to other people who have diverse experiences of abortion who are out there suffering and silenced by stigma that they’re not alone. The album also offers them a safe space and representation through song.

Release Date
April 30, 2021
Producer
Women's Global Network for Reproductive Rights(WGNRR)
Executive Producers
Kristine Chan and Amihan Ruiz
Sound Engineer
Calix
In collaboration with
Filipino Freethinkers and the Philippine Safe Abortion Advocacy Network (PINSAN)
With financial support from
Safe Abortion Action Fund
Website created and supported by
Filipino Freethinkers and Abortion Conversation Projects

Available Lyrics

Periodt
MUROAMI

Uh oh oh no
where'd you go
where you at where you at 
come back come back 

Lose my mind when you leave me 
never wanna be without you
I be going ooh ooh 
we belong we belong together 
don't stop don't stop

Yeah I bleed when you're with me, 
so what so what
I be goin ooh ooh 
we belong we belong together
come back come back now

TAO

‘coz it is what it is what it is periodt
‘coz i did what i did what i did periodt
‘coz i said i said i said  ooh ooh ooh periodt

and i want what i want what i want periodt
and i will what i will what i will periodt 
getchu back getchu back get you back ooh ooh ooh periodt please

MUROAMI

pretty please 
why you late tho
i was safe last time wont you say so 
wearing rubber poppin pills and injectables 
periodt i’m expecting you on the regular
why you gotta be ghostin boo you scaring me
minsan lang nag skin to skin, accidentally  
filipino time sure sanay sa antayan
pag hindi sumisipot period masama yan

titig sa pagitan ng hita, namimintig na 
di makita mabuting balita buwan ng bangungot
buwis sa saglit na ligaya andaya ako lang bumabata 
di na makahinga 
iniipit ang sigaw 
di rin maibuga 
madugong palahaw
buhay ko pala how
ipagpapatuloy, 
hindi ako handa now
para magpa ugoy ng duyan
ang duya ng kasalukuyan
ang kinabukasan ko mauudlot lang
gusto kong lamunin ng lupa kesa lumabas kubeta 
barilin niyo na ko luneta ay teka
gusto ko pala na mabuhay
disgrasyada pero victoria
luwalhati't pagsinta 
abot langit ng parangap ko
di pasisiil 
muling magdurugo

MUROAMI

Lose my mind when you leave me 
never wanna be without you
I be going ooh ooh 
we belong we belong together 
don't stop don't stop

Yeah I bleed when you're with me, 
so what so what
I be goin’ ooh ooh 
we belong we belong together
come back come back now

TAO

‘coz it is what it is what it is periodt
‘coz i did what i did what i did periodt
‘coz i said i said i said  ooh ooh ooh periodt

and i want what i want what i want periodt
and i will what i will what i will periodt 
getchu back getchu back getchu back ooh ooh ooh periodt please
Corporeal God
I wish I could house your pain
that I could carry these burdens and put them away
I wish I weren’t so naive
to feel that I know but a drop of your grief

you’ve drawn the map
you’re at the wheel
fuck all the noise
unfounded fears

I know your heart
your grand resolve
corporeal god
do what you want

is it yes if you can’t say no?
they take our keys
and they lock the doors on us (4x)

she’s drawn the map
she’s at the wheel
fuck all the noise
do what you will 

I know her heart
her grand resolve
corporeal god
she’s who she loves
Free
I felt relief, no guilt. There was a sense of taking back something that made me feel light and unburdened. I know that there’s a lot of stigma in society about it, especially in a very Catholic or religious country, such as the Philippines. But this is a choice I alone have to make, and in no way can other people’s judgement affect me. I do not need that negative association with an act that has actually freed me. 

everything feels right
I don't feel any burden no more
we won now and we finally settled the score
I feel light, I don't feel any burden no more
everything’s all figured out
uhuh uhuh yeah
everything feels right
everything’s alright, now baby

just imagine we won the fight
and they be lookin’ up like
the sun is bright 
it feels so nice
to wake up in a new bed
and I feel free my body mine
it's not an item for them
it’s mine, it’s mine
haha
sucks to be you
lookin’ like a fool
fighting for something
that brings down fellow women
nevermind, I'm not gon’ think about it
‘cause I am free, I'm not gonna ever be another captive, uh
my mama
finally learns
my body, my own words
my own rules, my own worth
my own soul, my own world
everything feels right
I don't feel any burden no more
we won now and we finally settled the score
I feel light, I don't feel any burden no more
everything’s all figured out
uhuh uhuh yeah
everything feels right
everything’s alright now baby

the comfort of being secure
being held by my mama
innocent child, iwas sa magulong drama
aking hiling na magising sila parang umaga
na kay ganda may almusal pa para sa’kin na nakahanda

uh home grown
look at how I've grown
iyaking bata naging sanay sa magulong
pag-iisip 
natuto nang lumaban 
hinabol ang panaginip 
walang nagsabi sa akin 
na karapatan ko ito
karapatan mong mabuhay nang walang perwisyo
‘di kasalanan na hingiin ang hiling mo
yakapin mong tunay nararapat sayo

and now I can say
everything’s alright, it’s okay
Buo
MUROAMI

HOOK 1

walang salamin at nakikita kong malinaw
lakas ng liwanag diwa kong nakakasilaw
bawasan man o madagdagan, ikaw pa rin, ikaw 
katawan at kaluluwa ko'y nabubuhayan ng dugo
dahil buong buo ako 
dahil buo aking loob 
kahit tignan pa sa labas
ang pagkatao ko'y wagas
Buong buo ako

VERSE 1

‘nyare grabe dami nilang sabi 
sa mga pangyayari na sa iyo nangyari 
‘di bale swabe, sige lang abante
laban lang kung laban, bawi lang kung bawi aaaw

kalayaan ko kung pa’no magdala
tao din ako kaya alam mo na
kelan ba matatauhan sila na pumupuna
punong puno sinapupunan ko ng bagong simula kaya excuse me lang
‘wag kang harang sa’king kinabukasan, sa aking kaligtasan hoy ano ‘to laglagan
dapat may sapat ito'y karapatan lamang 'tong pananagutan nating sama-sama

HOOK 2

walang salamin at nakikita kong malinaw
lakas ng liwanag diwa kong nakakasilaw
bawasan man o madagdagan ikaw pa rin ikaw 
katawan at kaluluwa ko'y nabubuhayan ng dugo
dahil buong buo ako 
dahil buo aking loob
kahit tignan pa sa labas
ang pagkatao ko'y wagas

Buong buo ako, 
(tumitibok)
nabubuhayan ng dugo
(lumulukso)
buo aking loob
(pumipintig)
hindi ako takot
(na naninindigan)

buong buo ako, 

BP

VERSE 2

napapaisip din ako
ba’t ba ako naghihirap
sa sistemang bulok
lahat na lang
dinadaan sa pagpanggap

madalas wala na kong kumpiyansa
‘di na rin ako nakakabangon
lahat ay binabalewala
‘gugunaw din naman ang mundo

pero ‘pag nakikita kita
wala na akong palusot
nakakahawa ang iyong sigla
buo na rin ang aking loob

MUROAMI

BRIDGE

tumitibok lumulukso pumipintig naninindigan
akin ako hindi sayo ang pasya ko kapangyarihan
tumitibok lumulukso pumipintig naninindigan
akin ako hindi sayo ang pasya ko kapangyarihan

HOOK 3

(tumitibok)
nabubuhayan ng dugo
(lumulukso)
buo aking loob
(pumipintig)
hindi ako takot
(na naninindigan)

buong buo ako, 
(akin ako)
buo aking loob
(hindi sayo)
tignan pa sa labas
(ang pasya ko)
kapangyarihan ko'y wagas
(di mapigilan)

Oh isasabuhay ko, isasabuhay ko
ang kapangyarihan ko
isasabuhay ko, isasabuhay ko
‘di mapipigilan oh
isasabuhay ko, isasabuhay ko
at maninindigan oh
Ang pasya kong ito
makapangyarihan
Ginto
There was once a woman
As golden as the sky
All the world before her
She just wants to keep her head held high

To dream is my dream
Not to be denied
To find refuge in my body
Is it yours or is it mine

There was once a woman
Her moon all black and blue
All the tides swift around her
She just tries to keep her head above

My dream is your dream
Not to be denied
Alienated by your body
You’ll find refuge next to mine

There was once a woman
Encaged by black and white
All eyes are on her
But if you try to see you’ll recognize

To be is our dream
Not to be denied
To find refuge in our bodies
Is it ours or is it thine

Our dream is your dream
Not to be denied
To find freedom in our bodies
Your refuge is as mine
Stigma
they decide
what is wrong, what is right
they look down they got children with spite
they do hate 
manipulate
it's the same old game
they need change
all the rage 
baby, what a shame
lagi na lang nagkakaganito
‘di na naman nabawasan, puno
na ng lumang gawain, ganito
lagi naman sa bansa na ito
uh
‘di naman biro (biro)
halika dito (dito) 
bakit mo tinatawanan mga kahirapan
sila’y inapi mo
mga api sa mga dating gawi
mga nakasanayan pinalagpas ang mali
kelan pa ituturo kung anong dapat na gawin
kay dami ng umawit sa ganitong suliranin

stigma stigma naloka loka matatatanda
nagbunga sila pinasa-pasa tulad ng bibliya
ang bawat papel ay magkaiba uh
ano pa ba ang gagawin nila
uh

they be blind ‘bout the wrong things
never really ‘bout morality ‘cause they be selective for their own sanity
honestly, we could always change all the stubborn ways but they always choose to control us colonizer ways
this the evil craze
that we learn to hate
but what they don't see
is they following the same mistake
give us all a break
it's a cycle, it is not the way
betta be the change
betta betta be the change
Marites, puro bless ang iyong hiling
‘di mo nakikita dinaig mo pa nakapiring
whatchu blabbering talking ‘bout religion talkin’ about rings
what you say ain't law
what you say is what makes other people think
simple ang sagot, ‘wag ipagdamot
ang desisyon para sa
ikakabuti nila po
open up your mind
and let me remind
it is not the same
there is greater pain
don’t be stupid 
shove it up your brain

stigma stigma naloka loka matatatanda
nagbunga sila pinasa-pasa tulad ng bibliya
ang bawat papel ay magkaiba uh
Abo
Ang aking balat
Ay kinis abo
Kutis ng ina
Ng dalawang kerubin

Wala nang iuunat
Para sa pangatlo
Ano’t maging reta-retaso
Maging sala-salabid

Ang aking pagsasanay
Sa pagiging babae
Hindi sakop ang mundong
Galing sa gan’yang dilim

Ang kulay ng pagsuko
Ay kulay abo
Mula rin sa abo
Ako ay tatayo

Akin ang konteksto
Ng katawang ito
Akin ang dangal at
Akin ang dugo

Ikaw at ako
Walang dapat ipagtalo
Ng isang buong linggo
Akin ang naratibo

Ang aking mga palad
May ingat mang humablot
Kalawakan ang hantong
May karga mang takot

Ang aking sikmura
Walang kinikilalang poot
Ang kandong ko ay lunas
At taboy ko ang kirot

Ang aking pagsasanay
Sa pagiging tao ay
Pagpapatalas ng pasya
Sa nagbabagang abo

Akin ang konteksto
Ng katawang ito
Akin ang dangal
Akin ang dugo

Ikaw at ako
Hangga’t tuntunga’y respeto
Walang labis na bilang ng
Madidibuhong milagro
Tikis
Saan ba babaling ang ‘di katanggap-tanggap? 
Sa malalim ba’t manhid na pagitan ng madilim na paglimot, 
at nakasisilaw na pag-alala?
Sasaklolo ba ang langit ‘pag ako ang tumingala?
O parurusahan lamang mapangahas kong lunggati?
Buwan, buwan hulugan mo ako ng sundang
Gagapasin ang saki'y ngayo'y pumipiit;
Butil ng bigat nanahan sa’king laman
Maraha’t marahan akong tinitikis 

nakalalagot-hininga 
nanginginig ang kamay
naninikip ang dibdib 
ito pa lang ang simula 
‘di mo alam kung saan ka dadalhin  
‘di ka handa 
ano nga ba ang mali at tama
‘di ka handa 
ano nga ba ang tama at mali
‘di ka handa 
ano nga ba ang mali at tama
‘di ka na mapakali  dali
nagkakarambola daliri pumili ng pisi ipapalupot sa leeg ng pagsisi 
binabangungot na sa bawat paggising
alam na alam ba't naririto, pwede bang itigil muna ang pag-ikot ng mundo
mga binalingan pinagkakatiwalaan
sa oras ng pangangailangan 
payo'y pasaring pagmamarunong 
makukulong na lang nga ba ako
kriminal ba o dehado ang pagpipilian
sitwasyon na delikado
mga estranghero ang tangi kong makakapitan
sinusundo na ako ng anghel ng lagim  
ang pagbati saki'y ngiti 
paikot-ikot ikot ikot tangay ang kamay ko
Ligtas pa kayang uuwi? 
Babalik ba ng buo? 
Babalik ba ng buhay? 
utak ko bumubulong
Halata ba o tago 
nagmamasid ang bantay 
umiikot ang gulong
Nagtipon-tipon ang mga nilikom na may iisang lihim
Andami palabnatin, 
huling silip sa labas bago magbago ang lahat 
Nawa pagpalarin 

Psst. 
Pasok, dali.  
Suotin mo ito. 
Duko. 
Kamay sa ulo. 
Shhh… tago, tago. 

hoy 
dikit-ulo sa tuhod ‘wag na tatango-tango
tahimik lang na sumunod. lapit na tayo
baba na sa sasakyan, lusot sa ilalim
oras na, takip sa mata, p’wede na hubarin
akyatin hagdang makitid patungo sa silid
sa sofa nagsusumiksik, kapwa mong tagilid
kalansing ng bakal, nakapila dose
dinig pati kabog ng dibdib ng iyong katabi

Uy, ikaw na daw sunod
Oo ikaw. 
Pasok.
Hubad.

Hingang-malalim. 
Relax lang sabi.
‘Wag po nating pahirapan ang isa't isa.

Pumipinting lamang pinupunit habang nanginginig 
tumitindi hiwang gumuguhit ngunit sumisidhi
mithi ‘di magpalupig 
hindi pasisiil 
tibayan pananalig
kahit pa makitil, 
kahit pa matakwil, ano mang paniningil
hahamunin kamatayan, isusubo ang baril
dahil laban na kung laban
tagurian pang suwail
tapat sa aking sarili
langit ma’y tinataksil
Akin ang daan, ang katotohanan, at ang buhay: 
at sino man ay ‘di makaparoroon, kun’di sa pamamagitan ko 
kung kapalit ng pagpapakatao ko ay ang nag-iisa kong buhay 
itataya upang magpakatotoo
itataya upang magpakatotoo

Tapos na. 
Bangon. 
Bihis.
Tawagin mo na ‘yung sunod.

sampung daliri 
dalawang kamay
paa tuhod balikat ulo
narito pa ako 
narito buhay at buo at magpapatuloy
dadalhin ako ng pagkakataon
‘di na lilingon
‘di magsisisi
sa aking tinikis
sa ‘di ko tiniis mhmmm
at sa bagong buhay ko
iisa lang ang pangako
laging ligtas loob labas
‘yan ang pangako ko sa’kin
laging ligtas loob labas
‘yan ang pangako ko sa’kin
maligayang bagong buhay
maligayang pagsilang muli sa aking sarili
Hiraya
Managinip Tayo
Ng isang paraiso
Isang mundong nakikinig
Walang panghuhusga kun’di pag-ibig

Managinip tayo
Na may katuturan kahit na sino
Kahit ang dilag na binansagang “makasalanan”
Kahit ang mangmang na ang isip ay napag-iwanan

Nakatayo sa balikat ng mga diwatang ninuno
Isang pamanang pagpasya
Patungo sa ating umaga

Managinip tayo
Mundong kilala ang ating lakas at pagpapasya
Pag-unawa ang tunay na biyaya
Hindi kailangan ang pagpaparaya

Managinip tayo
Isang mundong walang puwang
Sa galit, kun’di tapang
Hindi nagpapatinag
Sa pag-unlad
Sa pag-usad

Nakatayo sa balikat ng mga diwatang ninuno
Isang pamanang pagpasya
Patungo sa ating hiwaga

Walang ebolusyong nasasayang
Bawat pawis, bulong, sigaw ay isang hakbang
Walang ebolusyong nasasayang
Bawat hatak, tayo’y tutulak

Nakatayo sa balikat ng mga diwatang ninuno
Isang pamanang pagpasya
Patungo sa ating hiwaga
Nakatayo sa balikat ng mga diwatang ninuno
Isang paghawak ng kamay
Sariling isip ang bubuhay

Managinip tayo
Managinip tayo
Ito’y sandata ng dangal
Pasasalamat at pagmamahal
XX
huminto ka
at ngayon nang pakinggan
salaysay ng tunay na kasaysayan ng simula
nilalang ng taga-paglikha 
ang liwanag at langit, lupa mula sa pasya  
  
pinalitaw ng kaniyang hininga
hayop, halaman, kapwa tagapaglikha
na nagsasalita, na may kaluluwa, na kayang magpasya’t
narinig ang uha
sa hardin ng puno ng mali at tama
nabatid ang hubad na katotohanan
pinalayas ang kinauna-unahang
nagduda, nagtaya, nagtanong, nang-aya

binawiang-tinig, tinakpan
pinagbibintangan,
sinumpa’t pinagpakumbaba’t
pinarurusahan --
pinaliit
pinalilinggit
isinantabi
hanggang sa nawala
hanggang sa nawala
hanggang sa nawala
ako
hinahanap ko, hinahanap ko, hinahanap ko
hinahanap ko siyang nawawala 

sukdulan siya ng awa
napupuno ng grasya
parausang pantasya
pintakasi ng pasensya 
taga-ako ng parusa,
kung ‘di tupa siya ay puta
tugon sa kan’ya’y pagduda
taga-sunod, ‘di taga-panguna

nilalang na kayang maglalang ng kapwa
niluwal ng katulad
likhang manlilikhang nilikhang
magbigay-buhay
sa kama’t, kusina't kasalan
  
Sinilang siyang doble-ekis, 
Doble ang sala, doble-doble ang pasan 
penitensya na sakupin pangalan
Kapalaran niya’t katawan
Pero hanggang kailan

tumanggi man o tumalima
ay pag-akit sa pasakit 
tumahimik man o tumangis
ay dahas ang sinasapit  
tuwing nagbibigay-buhay
bakit buhay kong binabawi 
Babawiin ang aking sarili
buhay man ay mapawi
Regla
MUROAMI

hoy umayos ka bata 
‘wag bubuka-bukaka 

kababaeng tao,
sino ka ba sa akala mo

sige baka kung ano ‘yang pumasok 
diyan sa ano mo
pagnadali ka, sino na lang magkakagusto sa’yo 

sige, behave, ngiti ka
yumakap, beso-beso 
‘wag maarte 
‘di maganda ‘pag tumatanggi

ngayon ika'y dalaga, ba’t lumalandi
ganyan ka ba pinalaki? 
bigay-agad, ‘di ka marunong humindi?

SHNTI

mga mata
nahahalata
madaming sabi
madaming kuda
mga bibig
‘di na sumara
‘di na nagtigil
‘di na uubra
halika iha, unika iha
‘di ka ba nahihiya sa mali na
pinaggagawa sa katawan na
napakaganda, bakit ka naloka

at napadalos dalos
ang bawat agos agos
ng maling isip ang sistema
‘di na nga naayos
mga saradong isip
mga bulag na tao
sarili kong dugo sila pa ang nangkritiko
ano ba ang mali
at ano nga ba ang tama
‘di naman inintindi
baliktad palagi ang masa

MUROAMI

batang may bata ‘di na maka-aral
maging ginahasa pinapangaralan 
maging ina na ‘di kayang magdadag ng isa pa
hinahadlangang matamasa 

kinabukasang
kaniyang pinaghihirapan
ba't hahayaang malapastangan

may paraan ibalik ang minsang nalihis
ba't pinapako sa alinlangan

baligtarin kaya 
Kami magdidikta 
kontrol ng iba 
pagmamayari sa ari niyo 
patas ba

SHNTI

Aaaa
But despite
Women that fight
We fightin’ for rights
Shout at the microphone
Put your speakers up
Put it in maximum
Aaa

In the light many hopin’
For the right what is chosen
More than life is an open
Understanding more than verses
In the bible
Jesus ain’t everybody's idols
Ask me what is wrong in the world
‘Cause i know

Chances are given to privileged people
Chances are taken from less fortunate people
Where your god at when lives are taken
Where the peace at its all outspoken

Hipokritong matatanda
Alam lang ay puro kuda
Hindi ito ang panahon n’yo
Sige i-ukit na 
Ang bagong pagkakataon
Upang magsalita
Ito na dapat ngayon
Dapat simulan na ugh

MUROAMI

Mawalang-galang na lang
sa inyong mga kinatawan
winawalang galang niyo lang 
Katawan, karapatan -- kinakawatan

paghuhusga niyong mabagsik
timbangan ninyo tagilid
nakapiring tikom ang bibig
binubulag babae ‘yan ba imahe ng katarungan 

kabalbalan inyong banal-banalan 
paglaban daw buhay ng walang laban

ta's kukurakutin mga pagamutan
mga pinatay basta lang lilimutan 

Pribilehiyo niyo kaming pahirapan
Binubura niyo kami sa usapan
Pinupulitika ang kalusugan
Sumasawsaw sa’king sinapupunan
Reglamento mo ‘to ako dinudugo
Regla mo to ba’t ako ang dinudugo 

TAO

Wind,
Descend upon my body
Take from me my feet
Leave me with the memory of
How my anger sings

Remind me of my power
In this sea of faces in the street
Break for me this concrete
Teach them why I bleed

Teach them why I bleed

I am cosmic
I see all
I take my space
I'm enthralled
I set my bounds
I am deafening
You will be taught
Why I bleed
Naliwanagan
There is a mother
inside of me
There is a father
planting a seed
inside of me

There’s a grandmother
inside of me
There’s a grandfather
planting a tree
Planting our fears

Now there is nothing
inside of me
Now there is nothing
but pure love energy
Pure and free

May isang ina
Sa loob, sa diwa
May isang ama
nagtanim ng binhi
nagtanim ng takot
Sa gitna ng dilim
umusbong ang takot
At mula sa takot
ay naliwanagan

Ina, ina ang mapagpasya
Ina, ina ang mapagpasya
Walang kukunin kung walang iluluwal

Ilog, ilog ay umaagos
Dugo, dugo ay dumadaloy
Walang luha kung walang pagtatangisan

Walang pagsisisi
Walang pagkakasala
Walang katatakutan
Walang panghihinayangan
Wala, wala, wala

From whence fear came there love shall grow
Mula sa takot, nagbunga ang pagmamahal
Mula sa takot, nagbunga ang
Kapatawaran
Kanino Ang Bola
Kasalanan ko bang
tahaki'y kasiyahan
para magsaya
akala ko masaya 

Isang putok
lindol sa gubat
gulat na gulat

Anino
Anino ng duda
naniwala sa mamang
lumitaw lumitaw 
ang halimaw

Kanino
kanino ang bola
naniwala sa drogang
may dalang
pangako ng bukas

Isang pagputok
sa gitna ng dilim
gubat nagulat
sa balitang hatid

Isang pagputok
sa gitna ng gabi
Kagat labi kong
Nangangatwirang pigil 

Kanino
kanino ang sala
umiyak ang dalagang
May dalang pangarap at bukas

Kanino 
kanino ang duda
Inilatag ang hatol
Bago pa man nila marinig ang balita   

Itaas ang mga kamay
at pikit-matang bumuntung-hininga
dahil Maghihilom rin ang mga galos  

Ramdan na ang tamis at saya
 ng malayang diwa
Salubong sa kinabukasang tangan
Abot na ang bagong umaga
Bagong araw para sa bagong ikaw
Bagong araw para sa bagong ikaw

Banggain 
Gibain
Ang mga kahon
Na nagkukulong
Sa atin

Babanggain 
gigibain 
Ang mga kahon 
Na nagkukulong sa akin

Babanggain 
gigibain 
Ang mga kahon 
Na nagkukulong sa akin

Babanggain 
gigibain 
Ang mga kahon 
Na nagkukulong sa akin

Babanggain 
gigibain 
Ang mga kahon 
Na nagkukulong sa akin

Babanggain 
gigibain 
Ang mga kahon 
Na nagkukulong sa akin

Babanggain 
gigibain 
Ang mga kahon 
Na nagkukulong sa akin
Back to top
Pasya

A music album of original songs campaigning for the decriminalization of abortion in the Philippines produced by Filipino artists, songwriters, storytellers, and safe abortion advocates.

Follow us